Kristiyanismo
bumalik

Isaias 15

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Pahayag tungkol sa Moab. Tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Ar ng Moab; tunay nga, sa loob ng isang gabi, nasalaula at nawasak ang Kir ng Moab.

2Pumunta sila sa templo, pumunta sa matataas na lugar ang mga tao sa Dibon para umiyak; nagluksa ang Moab dahil sa Nebo at Medeba. Kinalbo ang kanilang mga ulo at pinutol ang kanilang mga balbas.

3Sa kanilang mga lansangan, nagsuot sila ng sako; nanangis sila sa tuktok ng kanilang mga bahay at sa plasa.

4Tumawag ng tulong ang Hesbon at Eleale; narinig ang kanilang tunog sa kasing layo ng Jahaz. kaya tumawag ng tulong ang mga armadong kalalakihan ng Moab; nanginginig sila.

5Umiiyak ang aking puso para sa Moab; pumunta ang mga takas sa kanila sa Zoar at Eglat-Selisiya. Pumunta sila sa taas ng Luhit nang umiiyak; papunta sa Horonaim, malakas silang nanangis dahil sa kanilang pagkawasak.

6Natuyo ang mga tubig sa Nimrim; natuyot ang mga damo at namatay ang mga bagong tubong damo; wala ng luntiang makikita.

7Ang kasaganahang pinalaki nila at inipon ay natangay palayo sa batis ng mga poplar.

8Maririnig ang kanilang mga iyak sa buong teritoryo ng Moab; maririnig ang kanilang pagtatangis na kasing layo ng Eglaim at Beer-elim.

9Dahil puno ng dugo ang mga tubig ng Dimon; pero magdadala pa ako ng mas marami sa Dimon. Isang leon ang aatake sa mga tatakas mula sa Moab at pati ang mga naiwan sa lupain.

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath