Hosea 6
wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles
1Halikayo, manumbalik tayo kay Yahweh. Sapagkat pinagpira-piraso niya tayo, ngunit pagagalingin niya tayo; Sinugatan niya tayo, ngunit tatalian niya ang ating mga sugat.
2Pagkatapos ng dalawang araw, bubuhayin niya tayo; ibabangon niya tayo sa ikatlong araw, at mabubuhay tayo sa kaniyang harapan.
3Kilalanin natin si Yahweh; sikapin nating makilala si Yahweh. Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway; darating siya sa atin tulad ng ambon, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig ng lupain.”
4Ano ang gagawin ko sa inyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa inyo, Juda. Ang inyong katapatan ay tulad ng ulap sa umaga, tulad ng hamog na mabilis na nawawala.
5Kaya pinutol ko sila ng pira-piraso sa pamamagitan ng mga propeta, pinatay ko sila ng mga salita ng aking mga bibig. Ang iyong utos ay tulad ng ilaw na nagliliwanag.
6Sapagkat hangad ko ang katapatan at hindi mga handog at ang aking kaalaman, ang Diyos ay higit pa sa mga susunuging handog.
7Tulad ni Adan, sinira nila ang kasunduan; hindi sila naging tapat sa akin.
8Ang Gilead ay isang lungsod ng mga gumagawa ng kasamaan, puno ng bakas ng dugo.
9Gaya ng pangkat ng mga magnanakaw na naghihintay sa isang tao, kaya nagsama-sama ang mga pari upang pumatay sa daan patungong Shekem; nakagawa sila ng kahiya-hiyang mga kasalanan.
10Nakita ko sa sambahayan ng Israel ang mga kakila-kilabot na bagay. Nandoon ang pagbebenta ng aliw ng Efraim, at nadungisan ang Israel.
11Sa iyo man, Juda, ay may nakatakdang pag-aani, kapag naibalik ko na ang mabuting kapalaran ng aking mga tao.
pinagmulan: banal na Bibliya
WEBREATH · 11:11
«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25
Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.
WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath