Kristiyanismo
bumalik

3 Juan 1

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Ang nakatatanda para kay minamahal na si Gayo, na siyang aking mahal sa katotohanan.

2Minamahal, dinadalangin ko na ikaw ay lumago sa lahat ng mga bagay at maging sa kalusugan, katulad ng paglago ng iyong kaluluwa.

3Sapagkat ako ay lubos na nagalak nang dumating ang mga kapatid na lalaki at nagpatotoo sa iyong katotohanan, katulad sa paglakad mo sa katotohanan.

4Wala akong labis na kaligayahan maliban dito, na marinig na ang aking mga anak ay lumalakad sa katotohanan.

5Minamahal, ikaw ay nagsasagawa ng katapatan tuwing ikaw ay gumagawa para sa iyong mga kapatid na lalaki at para sa mga hindi kilala,

6siya na nagpatotoo ng pag-ibig mo sa harapan ng iglesia. Gumawa ka ng mainam para maipadala sila sa kanilang paglalakbay sa paraang karapat-dapat sa Diyos,

7dahil para sa kapakanan ng Pangalan sila ay lumabas, walang kinukuha mula sa mga Gentil.

8Samakatuwid tayo ay marapat na tumanggap tulad ng mga ito, nang sa gayon tayo ay maging kapwa manggagawa para sa katotohanan.

9Nagsulat ako ng isang bagay sa kapulungan, pero si Diotrefes, na gustong maging una sa kanila, ay hindi tayo tinanggap.

10Samakatuwid, kung ako ay pupunta, aalalahanin ko ang mga gawaing kaniyang ginawa, kung paano siyang nagsabi ng mga katawa-tawang bagay laban sa atin gamit ang mga masasamang salita. Hindi pa nasiyahan sa mga gawaing ito, siya mismo ay hindi tinanggap ang mga kapatid na lalaki. Ipinagbabawal niya ang mga nagnanais na gumawa nito at pinapalayas sila sa kapulungan.

11Minamahal, huwag mong tularan kung ano ang masama pero kung ano ang mabuti. Ang siyang gumagawa ng mabuti ay sa Diyos; ang siyang gumagawa ng masama ay hindi nakita ang Diyos.

12Si Demetrio ay nagpatotoo sa lahat at sa pamamagitan ng katotohanan mismo. Tayo din ay nagpapatotoo, at alam mo na ang aming pagpapatotoo ay tunay.

13Marami akong bagay na isusulat sa iyo, pero hindi ko nais isulat ang mga ito sa iyo na gamit ang panulat at tinta.

14Pero ako ay umaasa na makita ka sa lalong madaling panahon, at tayo ay mag-uusap harap-harapan.

15Kapayapaan ay sumainyo. Ang mga kaibigan ay bumabati sa iyo. Batiin ang mga kaibigan sa pangalan.

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath