Kristiyanismo
bumalik

1 Corinto 13

wala pang pagsasalin sa iyong wika — ipinapakita ang Ingles

1Ipagpalagay na nakapagsasalita ako ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel. Ngunit kung wala akong pag-ibig, ako ay gaya lang ng isang batingaw na maingay o ng isang pompiyang na umaalingawngaw.

2Ipagpalagay na mayroon akong kaloob ng propesiya at nauunawaan ang lahat ng lihim na katotohanan at kaalaman, at mayroon ako ng lahat ng pananampalataya sa ganoon ay napapalipat ko ang mga bundok. Ngunit kung ako ay walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.

3At ipagpalagay na naibibigay ko ang lahat ng nasa akin upang maipakain sa mga mahihirap, at ibigay ko ang aking katawan upang sunugin. Ngunit kung wala akong pag-ibig, ako ay walang pakinabang.

4Ang pag-ibig ay mapagpasensya at magandang loob. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit o nagyayabang. Hindi mapagmataas,

5o hindi marahas. Hindi makasarili, hindi madaling magalit, ni nagkikimkim ng bilang na mga kamalian.

6Hindi nagsasaya sa kalikuan. Sa halip, nagsasaya sa katotohanan.

7Ang pag-ibig ay kinakaya ang lahat ng mga bagay, pinaniniwalaan ang lahat, at nagtitiwala sa lahat ng mga bagay, at tinitiis ang lahat ng mga bagay.

8Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroon mang mga propesiya, ang mga ito ay lilipas. Kung mayroon mang pagsasalita ng wika, ang mga ito ay hihinto, at kung may kaalaman ito ay lilipas.

9Sapagkat nalalaman natin ng bahagya at nakapagpapahayag din tayo ng ng propesiya ng bahagya.

10Ngunit kapag ang kaganapan ay dumating na, ang alin mang hindi ganap ay lilipas.

11Noong ako ay bata pa, ang salita ko ay tulad ng isang bata. Ang isip ko ay tulad ng isang bata, nagdadahilan ako na tulad ng isang bata. Ngunit ng ako ay nasa hustong gulang na, iniwan ko na ang mga bagay ng pagiging isip-bata.

12Sa ngayon ang nakikita natin sa salamin ay tila madilim na larawan, ngunit pagkatapos ay mukhaan na. Ngayon ay nalalaman ko ang bahagya, ngunit sa pang-hinaharap lubusan ko ng malalaman na gaya ng lubos na pagkakilala sa akin.

13Ngunit ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, pag-asa sa hinaharap, at pag-ibig. Ngunit ang higit sa lahat ng mga ito ay ang pag-ibig.

pinagmulan: banal na Bibliya

WEBREATH · 11:11

«He himself gives everyone life and breath and everything else» — Acts 17:25

Breath is one for all: everyone lives by it, whoever they are and whatever they believe. Every day at 11:11 local time people stop for sixty seconds, breathe, and thank GOD for the breath — each in their own words, each within themselves. In that minute we are One Breath.

WEBREATH — the Minute at 11:11, your own local time — we are One Breath